kris

Kris payat pa rin pero walang kanser

Aster A Amoyo Feb 27, 2022
237 Views

kris1kris2MARAMI pa rin ang nababahala sa patuloy na pagbagsak ng timbang ng actress-host at entrepreneur na si Kris Aquino na ang present weight ay 86 lbs na lamang or 39 kilos na sobrang mababa.

Gayunpaman, it was ruled out na may sakit siyang kanser at normal na nagpa-function ang kanyang kidney at liver at ibang bahagi ng kanyang katawan maging ang kanyang sugar level ay wala umanong problema.

Kailangan umanong tapusin ni Kris ang iba pa niyang tests bago siya lumipad patungong ibang bansa for further treatment.

Patuloy namang umaasa ang mga supporters ni Kris na sana’y tuluyan na itong gumaling alang-alang sa kanyang dalawang anak na sina Joshua (26) at Bimby (14) na kailangan pa rin ng kanyang guidance at suporta.

Samantala, marami ang nagi-speculate na posibleng mabalik sa hosting job si Kris ng sarili nitong programa sa bagong acquired na broadcast frequency at bagong tayong broadcast network, ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari na pamilya Villar.

Kris has close ties with game show host-producer na si Willie Revillame na close ally ng mga Villar.

Kung matatandaan pa, plano sana noon ni Willie na i-produce si Kris ng isang talk show program sa GMA na siya ang producer pero nagkaroon ng problema with the TV network kaya hindi ito natuloy.

Gayunpaman, kailangan munang i-prioritize ni Kris ang kanyang health bago isipin ang kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Jericho at Kim nag-relocate sa New York

NAGA-ADJUST pa rin ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa kanilang bagong buhay sa Big Apple (New York City) where they relocated from the Philippines.

Since walang katulong sa Amerika, natutong maging independent ang mag-asawa at gawin ang lahat ng trabaho sa loob ng bahay all by themselves at kasana na rito ang paggu-grocery, pagluluto, laundry, paglilinis at pag-aayos ng bahay at iba pang household chores. Unti-unti na rin nila kinu-kumpleto ang mga kagamitan ng kanilang newly-acquired condo unit in New York.

Ang pag-relocate sa New York ng mag-asawang Jericho at Kim ay may kinalaman sa Hollywood dream ng actor. Ito rin ang rason kung bakit hindi na tumanggap ng bagong TV projects ang singer-actor.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.