Kris

Kris, VG Mark wala nang balikan

Vinia Vivar Jun 30, 2024
11 Views

Kinumpirma ni Kris Aquino na since February of this year ay break na sila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

“Yes, definitely, walang balikan na mangyayari,” sey ni Tetay sa face-to-face interview niya with Ogie Diaz.

Ang naturang panayam ay naganap sa bahay ni Kris sa Orange County, California at kasama rin niya sa interview ang bunso niyang anak na si Bimby.

Ayon kay Kris, nagsimula ang pagkakalabuan nila ni VG Mark noong November, 2023 at sinubukan naman niya itong ayusin.

“Pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto. Pero ayoko nang magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out was I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik,” she revealed.

“The last post I had was way back in May and I’ve kept quiet because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaaanan ko recently. And ayokong ibalita sa mga tao na hirap ako, pagod ako,” dagdag niya.

Tumatak daw sa kanya ang sinabi ni Bimby na “mama, I don’t think you really love him. I think you’re just sad.”

And she realized na tama ang sinabi ni Bimby.

“We both tried but I think, tama ‘yung sinabi ni Bimb also and I’d like to say na we’re still friendly pero at a distance na,” sey ni Kris.

Nang tanungin kung may pagkakaton na pumupunta pa rin ang politiko sa bahay niya para suyuin siya, prangkang sagot ni Tetay, “kung sumusubok man, sarado na ‘yung pinto.”

Dagdag pa niya, “Huwag na nating ano kasi magmukha namang nilaglag ko pa, huwag na lang. I wish him the best and I’m sure he also wishes me well but I wanted to clarify lang kasi people might have the wrong impression.”

It’s been more than four months since the breakup at naka-move-on na raw siya pero patuloy pa rin daw na may lumalabas na sila pa rin.

“So, sana, tumigil na. And huwag na lang siyang tanungin din kung kamusta ‘ko kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga. Kasi, wala nang communication apart from ‘thank you, God bless,’” she said.

Kaugnay nito, ni-reveal na rin ni Kris na may bago na siyang pag-ibig ngayon na isang doktor dito sa Pilipinas.

“It just flowed, nangyari. He’s a doctor and I think he’s part of the reason why it was easy. Kasi alam nya kung anon’g pinagdadaanan ko and he’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi. Kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me.

“So obviously, by saying that, alam na nila that he’s a doctor based in the Philippines,” pag-amin ni Kris.

When asked kung saan sa ‘Pinas, sabi ni Kris, “Makati.”

Pero kaagad ding niliinaw ni Kris na wala na sila ni VG Mark nang pumasok sa buhay niya ang doktor at matagal naman daw ang pagitan.

“May malaking gap naman. Hindi sila nagkasabay. At hindi siya ang dahilan kung bakit. Walang overlap at hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay,” paglilinaw ng Queen of All Media.