Calendar
Kubo sa Rodriguez natabunan ng bato, magkapatid dedo
NASAWI ang magkatid ng matabunan ng malalaking bato ang kanilang kubo dala ng malakas na ulan sa Sitio Kayrupa, Wawa, San Rafael, Rodriguez, Rizal noong Aug. 5.
Kinilala ang nasawi na sina alyas Urilyn at Jessy.
Pinaniniwalaan ng pulisya na dahil sa malakas na ulan, gumuho ang lupa na may kasamang malaking bato at tinamaan ang kubo ng mga biktima.
Base sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang pagbulusok ng mga bato dakong alas-12:20 ng tanghali.
Ang mga labi ng biktima ay agad hinanap ng mga tauhan ng barangay, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Rodriguez Police.
Ang mga residente sa lugar ay una nang pinayuhan an mag-evacuate dahil sa malakas na ulan na maaaring maging sanhin ng landslide.

