Calendar
Provincial
2-anyos nasawi sa bugbog ng amain sa Biliran
Zaida Delos Reyes
Aug 6, 2026
198
Views
ISANG dalawang-anyos na batang lalaki ang nasawi makaraang pagsusuntukin ng kanyang stepfather na umano’y nairita sa kanya dahil sa pag-iyak sa Barangay Catmon, Naval, Biliran.
Batay sa ulat ng PNP, natagpuan ang biktima na walang malay sa labas ng kanilang bahay noong August 1, 2026.
Isinugod ang biktima sa Biliran Provincial Hospital subalit idineklara itong walang malay.
Ayon sa mga saksi, dalawang beses na sinuntok ng suspect ang biktima dahil sa pag-iyak nito.
Itinulak pa ang bata kaya’t natumba ito at tumama sa bato ang kanyang ulo.
Napag-alaman na wala ang nanay ng biktima nang maganap ang insidente.
Agad naman inaresto ng mga awtoridad ang suspect at sinampahan ng kasong murder sa piskalya ng lalawigan.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

