Bataan solon nahalal na SCAN country prexy
Nov 16, 2026
FMR mahalaga, ayon sa bgy capt
Nov 16, 2026
Calendar
Metro
Kukuha ng police clearance nabuking sa pagnanakaw huli
Melnie Ragasa Jimena
Dec 12, 2025
604
Views
DINAKIP ng mga pulis ang babae na kukuha nf police clearance pero nabistong may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong qualified theft sa Quezon City.
Ayon kay P/Lt. Col. Joy Leanza, hepe ng Project 4 police station ng Quezon City Police District (QCPD), kukuha sana ng police clearance ang babae pero nabuking na may warrant of arrest sa kasong qualified theft.
Inisyu ang arrest warrant laban sa babae noong Hunyo 2022 dahil sa pagnakaw sa kaniyang dating amo sa Taguig City ng mahigit P90,000.
Para makatakas, nagtrabaho sa salon ang babae sa ibang bansa ng mahigit isang taon at bumalik sa Pilipinas noong Enero 2025
Nakapiit na ang babae pero todo-tanggi pa rin sa ginawang pagnanakaw sa dating amo.
Liwasang Bonifacio nililinis sa utos ni Yorme
Nov 16, 2026
NCRPO, 100% ready sa seguridad ng 49th ASEAN Summit
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026

