Biktima Ang biktima habang nasa emergency room ng ospital matapos saksakin sa ulo at batok ng nakatakas na suspek. Kuha ni JonJon Reyes

Kusinero sinaksak sa ulo, batok ng kaalitan; duguan

Jon-jon Reyes Jan 24, 2025
17 Views

SUGATAN ang isang kusinero matapos saksakin sa ulo at batok ng lalaking na naka-alitan at nakatakas sa Brgy. 704 Purok, 6 Adriatico St., Malate, Manila noong Miyerkules.

Nasa bingit ng kamatayan si Christopher Rascano, 32,cook sa Yakitori Restaurant at residente ng naturang lugar matapos saksakin ng suspek na nakilalang si alyas Sardel.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.

Base sa pagsisiyasat ng Manila Police District, bandang alas-8:20 ng umaga nang maganap ang insidente dahil matagal ng may alitan sa pagitan ng suspek at biktima

Bago ang insidente, hinarap ng biktima ang suspek dahil sa umano’y pagnanakaw ng P300 noong isang buwan.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo tungkol sa nakawan, hinampas ng biktima ang suspek sa binti gamit ang isang stick at gumanti naman ang suspek sa pagsaksak sa ulo at batok ng biktima gamit ang patalim.