BARMM

Kutawato province na sasakop sa 63 bgy isinusulong

15 Views

NAGHAIN si Sen. Robinhood “Robin” Padilla ng panukalang batas na lilikha ng special province sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para panindigan ang karapatan ng mga botante doon.

Sa Senate Bill 2875 ni Padilla, malilikha ang special geographic area na kikilalaning Kutawato province na sasakop sa 63 barangay na nagpasiyang sumali sa BARMM noong 2019.

“The establishment of the Special Geographic Area (SGA) reflects the historic aspirations of the sixty-three (63) barangays from the municipalities of Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigcawayan, Pikit and Aleosan in Cotabato to become part of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), as affirmed through a plebiscite held on February 6, 2019,” sabi ni Padilla sa kanyang panukala.

Sa panukalang batas ni Padilla, kasama sa Kutawato province ang Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan, na sakop ang 63 barangay sa Special Geographic Area. Magiging kapitolyo ng probinsya ang Pahamuddin.

Noong Nobyembre 7, idinetalye ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang isyu na pumipigil sa 63 barangay na bumoto sa halalan dahil hindi sila kabilang sa anumang probinsya.

Ayon kay Garcia, ito ang isa sa isyu sa pagkaantala ng halalan sa BARMM.

Sinabi ng opisyal na Kongreso lang ang makapaglikha ng probinsya na may sariling legislative district. Dagdag niya, pwedeng isali sa probinsyang ito ang walong na-disenfranchised na bayan.

Nag-alala si Padilla na kung patuloy ang ganitong sitwasyon, malalabag ang karapatan ng mga botante sa apektadong lugar na bumoto.

“To address this serious concern, this bill thus proposes to create an SGA under the BARMM to be known as the Kutawato Province, to be composed of the eight (8) above mentioned municipalities with Pahamuddin as its proposed capital.

It outlines the powers and functions of the provincial government, including but not limited to revenue generation, taxation, land use regulations, consistent with the provisions of the Local Government Code of 1991,” ani Padilla sa kanyang panukala.

Ayon din kay Padilla, layunin ng panukala na tuldukan ang pag-disenfranchise ng botante “by ensuring their access to adequate and effective government services.”