Martin3 Itinataas ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kopya ng resolution na nagdedeklara sa kanya bilang adopted son ng La Trinidad, Benguet. Kuha ni VER NOVENO

La Trinidad, Benguet idineklrang adopted son si Speaker Romualdez

117 Views

Martin4Binansagan bilang “Batakagan” o Brightest Star

PERSONAL na ibinigay ng mga opisyal ng La Trinidad, Benguet ngayong Linggo kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kopya ng resolusyon na pinagtibay ng Sangguniang Bayan nito, na nagdedeklara sa kanya bilang adopted son ng bayan.

Ang Resolution No. 69-2024, na pinagtibay ng municipal board nitong March 26, 2024, ay naggagawad din kay Romualdez ng titulong “Batakagan,” o “Brightest Star” kay Speaker Romualdez.

Iniabot ni La Trinidad Mayor Romeo Salda, kasama ang iba pang opisyal ng munisipalidad na siyang kapitolyo ng lalawigan ng Benguet, ang resolusyon kay Speaker Romualdez sa paglulunsad ng Cash and Rice Distribution sa Benguet Sports Complex.

“Resolved as it is hereby done, to declare the House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, as an adopted son of the Municipality of La Trinidad, Benguet Province and bestowed with the name “Batakagan” (Brightest Star),” saad sa dalawang pahinang resolusyon.

Sinabi ng Sangguniang Bayan na ang mga residente ng La Trinidad ay lubos na ikinalulugod na tanggapin si Speaker Romualdez, na siyang nanguna sa paglulunsad sa lalawigan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“His noble intention and effort to visit and show support to the constituents of the municipality of La Trinidad deserve recognition worthy as a son,” sabi pa sa resolusyon.

Binanggit din sa resolusyon na maliban sa pangangasiwa sa legislative function ng Kongreso, siya rin ang bumuo at nanguna sa BPSF, na makabagong pamamaraan ng paghahatid ng serbisyo publiko sa Pilipinas upang mapabuti ang kahusayan at pagtugon ng gobyerno.

“Bringing together various government agencies private sector partners, and community organizations, the fair serves as a platform for interactive exhibits, workshops, and discussions focusing on engagement, digital transformation, and inclusive governance,” ayon pa sa resolusyon.

Sinabi rin sa resolusyon na sa pamamagitan ng mga hakbangin tulad ng pagpapadali ng proseso, digital service delivery platforms, at maagap na mekanismo para citizen feedback, isinusulong ng Serbisyo Fair ang kultura ng pananagutan, transparency, at kahusayan sa paghahatid ng serbisyo publiko, na nagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino at nakatutulong para sa socio-economic na pag-unlad sa buong bansa.

Sa kanyang pambungad na mensahe sa pagsisimula ng programa, binanggit ni Benguet Lone District Representative Eric Go Yap na bago pa man nabuo ang konsepto ng BPSF si Speaker Romualdez ay nagbibigay na ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga mamamayan ng lalawigan.