Lacson

Lacson pinabulaanan ‘crystal ball’ ni Imee

211 Views

ANUMANG propaganda o manipulasyon ay hindi bibigyan ng pagkakataon upang gamiting ang makapangyarihan blue ribbon para sa pansariling kapakanan ng iilan kundi upang ilabas lamang ang katotohanan.

Ito ang tinuran ng chairman nito kung saan ay iginiit ni Senate President Pro Tempore Sen. Panfilo Lacson na hindi na papayagang magbigay ng testimonya via Zoom si dating Rep. Elizaldy Co sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y katiwalian sa mga maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Lacson, na siya rin nahirang muli bilang chairman ng blue ribbon committee, hindi na itutuloy ang virtual appearance ni Co upang maiwasan gamitin ang komite sa pansariling dahilan ngunit wala naman magagawa ang nasabi rin komite upang panagutin ito dahil sa virtual nga lamang ang magiging usapan.

“Dahil maaari lamang itong magbigay sa kanya ng platform to say anything he wants even with no probative value and worse for propaganda purposes only without any accountability for at least possible contempt citation.” paglillinaw ni Lacson.

“I didn’t push through with the initial plan to invite him (Co) via Zoom. On second thought, the hearing might afford him a platform to say anything he wants even with no probative value and worse for propaganda purposes only without any accountability for at least possible contempt citation,” ani Lacson.

Dagdag pa niya, ipinabatid ng kampo ni Co sa komite na nasa Estados Unidos ang dating kongresista at kasalukuyang “undergoing medication,” kaya humiling itong ma-excuse mula sa pagdinig sa Biyernes. “Co’s lawyer informed the committee saying Co is in the US, and is undergoing medication. He asked to be excused from tomorrow’s hearing,” ani Lacson.

Sinabi rin ni Lacson na mas iniintindi niya ngayon ang pagbalik ng kanyang boses bago ang deliberasyon ng Senado sa panukalang pambansang badyet para sa 2026 ngayong Huwebes at bago ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Biyernes. Siya ay kasalukuyang under medication matapos mawalan ng boses noong Martes ng gabi.

Pinabulaanan din ni Lacson ang mga pahiwatig at “prediksyon” ni Sen. Ma. Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos tungkol sa pagdinig.

“More than Sen Imee’s crystal ball, my bigger concern is how to recover my normal voice in time for tomorrow’s BRC hearing or this afternoon’s budget plenary debates which I have intended to interpellate. I’ve lost my voice since yesterday after drinking ice cold water with a sore throat last Tuesday night,” aniya.

Inaasahang magiging aktibo si Lacson sa deliberasyon ng panukalang badyet na magsisimula ngayong Huwebes ng hapon. Siya rin ang mamumuno sa pagdinig sa Biyernes sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Muli niyang iginiit na isasagawa niya ang pagdinig nang may “blindfold mentality” at uusad lamang batay sa ebidensiya na ihaharap sa komite.