Calendar
Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong,
Deputy Speaker Ronaldo Puno
Lacson sinuportahan: Walang ebidensiya laban kay Romualdez
SUPORTADO ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong nitong Lunes ang pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee chairman at Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na walang ebidensiyang nag-uugnay kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kontrobersiya sa flood control.
Aniya, ito’y napapanahong paalala na ang mga imbestigasyon ay dapat nakabatay sa katotohanan — hindi sa ingay.
Ayon kay Adiong, binibigyang-diin ng pahayag ni Lacson ang pangunahing pamantayan ng due process: ang mga paratang ay dapat suportado ng ebidensiya, affidavit at dokumentasyon bago masira ang reputasyon ng sinuman.
“This reinforces what should be obvious in any serious inquiry — without factual evidence, sworn statements, and documents, there is nothing to pursue,” ani Adiong. “Critics should stop the political noise and pressure tactics. Investigations are not trial by rumor.”
Sinabi ng mambabatas na malinaw sa posisyon ni Lacson, na ipinalabas sa dzBB, na ang Senate Blue Ribbon Committee ay maaari lamang kumilos batay sa ebidensiya, hindi sa mga hinala.
Sa panayam, binanggit ni Lacson na bagaman nabanggit ang pangalan ni Romualdez, wala pang matibay na patunay para kumilos ang komite.
Idinagdag niya na walang testigo ang direktang nag-ugnay sa dating Speaker maliban kay Orly Guteza na ang testimonya ay hindi napatunayan, at hindi rin ito nagpakita sa Department of Justice (DOJ), Ombudsman o Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang patunayan ang kanyang mga pahayag sa ilalim ng panunumpa.
“When a witness disappears and no sworn affirmation follows, you cannot manufacture a case,” aniya. “Public officials deserve the same fairness expected of any citizen.”
Binigyang-diin din niya ang pagtanggi ni Lacson sa mga alegasyon na hinarang ng Malacañang o ng senador ang imbestigasyon, at binanggit ang matagal nang reputasyon ni Lacson sa pagiging independent.
Mahalaga ang kontekstong ito, saad niya.
“The Senate chair was clear: there was no pressure, and even if there were, it would not work,” pahayag ni Adiong. “That should put to rest the conspiracy theories.”
Nanawagan si Adiong sa lahat ng panig na hayaan ang mga institusyon na gawin ang kanilang tungkulin nang walang partisanong pag-atake.
“Let evidence speak. If there is none, then stop harassing people in the court of public opinion,” aniya. “Our country deserves sober debate, not sarswela.”
Sinuportahan din ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City nitong Lunes ang pahayag ni Lacson na walang ebidensiyang nag-uugnay kay Romualdez sa kontrobersiya sa flood control, at iginiit na ang pananagutan ay dapat palaging nakabatay sa katotohanan at due process.
Ayon kay Puno, na chairman ng National Unity Party (NUP), nagsisilbing malinaw na paalala ang pahayag ni Lacson na ang mga imbestigasyon ay hindi maaaring umusad batay sa haka-haka, political pressure o walang basehang paratang.
“Senator Lacson made it very clear that the Senate can only follow where the evidence leads,” aniya.
Pinatitibay ng pahayag ang matagal nang prinsipyo na ang due process — hindi insinuation — ang dapat manaig sa anumang pagsisiyasat ng Senate Blue Ribbon Committee, ani Puno.
Binanggit ni Lacson na walang testigo ang direktang nag-ugnay kay Romualdez maliban kay Guteza na hindi napatunayan ang testimonya at nabigong lumitaw sa tamang awtoridad upang patunayan ang kanyang pahayag sa ilalim ng panunumpa.
Tinukoy din ni Puno ang tahasang pagtanggi ni Lacson na may pressure mula sa Malacañang o sa kanya upang harangin ang imbestigasyon, at sinabing ang ganitong alegasyon ay nakakaabala lamang sa tunay na tungkulin ng mga institusyon.
“Senator Lacson categorically rejected those allegations and those of us who know him can confirm that pressure would not work on him,” wika ni Puno.
Nanawagan ang Deputy Speaker na hayaan ang mga imbestigasyon na magpatuloy nang objectively, kabilang ang mga kaso laban sa mga incumbent senator, nang walang partisanong motibo.
“Public discourse should be guided by evidence and fairness,” ani Puno. “When there is no proof, everyone should stop turning serious issues into political theater.”

