Justice

Lacuna: Villanueva bitbit sa SC mga pinaghalong kaalaman

Edd Reyes Jun 10, 2025
26 Views

NAGPAABOT ng kanyang lubos na pagbati si Manila Mayor Honey Lacuna sa bagong talagang mahistrado ng Korte Suprema na si Judge Raul B. Villanueva.

“I congratulate Court Administrator and former Manila Regional Trial Court judge Raul B. Villanueva on his well-deserved appointment to the Supreme Court as the newest Associate Justice,” pahayag ni Lacuna.

Sinabi ng alkalde na maipagmamalaki ng Lungsod ng Maynila na ang dating hukom ng Manila Regional Trial Court (RTC0 ay naging matagumpay sa kanyang karera at maabot ang pagiging Mahistrado ng Mataas na Hukuman.

Dagdag pa ng alkalde, binitbit ni Justice Villanueva sa Korte Suprema ang kanyang magkakahalong kaalaman sa batas, academia, economics, at finance na kanyang ginamit na katalinuhan bilang hukom sa pagpapasiya sa mga kasong kanyang hinawakan.

“Lastly, I wish Justice Villanueva good health for the new challenges that await,” pagtatapos ng alkalde.