Calendar

Lakas-CMD, Ako Bicol candidates nangunguna sa halalan sa Albay – Pulse Asia
PATULOY na nangunguna ang mga kandidato ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), at Ako Bicol Partyt-list sa kani-kanilang tinatakbuhang posisyon sa lalawigan ng Albay, ayon sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Abril 1 hanggang 10, 2025.
Sa pagka-gubernador, nangunguna si Lakas-CMD candidate at incumbent Rep. Joey Sarte Salceda na may 47% na suporta mula sa mga botante.
Si Salceda, dating gobernador ng Albay at kasalukuyang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan, ay may 17 puntos na kalamangan kay Noel Rosal ng PDP–Laban na may 30%.
Sa laban para sa pagka-bise gobernador, nangunguna rin si Lakas-CMD candidate Diday Co na may 36% na suporta ng mga botante. Sinundan siya ni Jun Alegre ng PDP–Laban na may 20%, Te Arandia (Independent) na may 12%, at Gil Goyena ng Workers and Peasants Party (WPP) na may 2%.
Sa congressional race nanguna ang mga kandidato ng Lakas-CMD sa lahat ng tatlong distrito ng lalawigan.
Sa unang distrito, bahagyang lamang si Rep. Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list na nakuha ng 38% laban kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman ng Liberal Party na may 36%.
Sa ikalawang distrito, nangunguna si dating kongresista na si Kito Co na may 46% na voter preference, habang may 25% naman si Caloy Loria ng PDP–Laban.
Samantala, sa ikatlong distrito, may malawak na kalamangan si Polangui Mayor Adrian Salceda na may 54% suporta ng mga botante, 24 puntos na mas mataas kay incumbent Rep. Fernando Cabredo ng NUP na may 30%.
Sa Legazpi City, nangunguna pa rin si Lakas-CMD candidate Kap Hisham Ismail sa pagka-alkalde na may 43% na suporta. Sinundan siya ni Carmen Rosal ng PDP–Laban na may 33%, habang nakakuha naman sina independent candidates Doc Atutubo at Dan Sabdao ng 11% at 0.3%, ayon sa pagkakasunod.
Ipinapakita ng resulta ng Pulse Asia survey ang makabuluhang suporta ng mga botante para sa mga kandidato ng Lakas sa papalapit na halalan sa 2025.