Patay

Lalaki binaril matapos magpaputok ng baril, manaksak ng parak, dedo

4 Views

DEDO noong Biyernes ang isang lalaki matapos makaengkwentro ang mga pulis ng Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report, isang nagngangalang alyas Gilbert ang walang habas na nagpapaputok ng baril.

Nagresponde ang mga miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Tanauan police para harapin ang lalaki na noo’y nasa kanyang bahay.

Kumatok ang mga otoridad sa pintuan ng suspek at nagpakilalang mga miyembro ng Tanauan City police.

Ngunit pagbukas ng pinto biglang sinaksak ng suspek si P/Maj. Robin Martin at tinamaan sa braso.

At nang muling sasaksakin ng suspek ang pulis mabilis niya itong itinulak at dinakma ang suspek at napilitang barilin na.

Parehong isinugod sa ospital ang sugatang sina PMaj. Martin at ang suspek subalit ang suspek idineklarang patay na nang idating sa ospital.