Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
Calendar
Metro
Lalaki kinadyot, tigok
Melnie Ragasa Jimena
Mar 23, 2026
455
Views
PATAY ang isang obrero matapos saksakin ng hindi nakikilala at nakatakas na salarin sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City noong Marso 22.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nakikipag-inuman umano ang biktima sa kanyang mga kamag-anak sa kanilang bahay.
Makalipas ang ilang oras, nagpaalam ito sa kanyang kapatid na lalabas muna siya upang maglakad.
Ngunit bandang alas-9:50 ng gabi, natagpuan ang biktima sa Sunrise St. na duguan at may saksak sa ibabang bahagi ng likod.
Isinugod sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at madakip ang suspek sa krimen.
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Police stations dapat malinis–NCRPO chief
Oct 12, 2026
Parangal natanggap ng Maynila
Oct 12, 2026
3 magkakaibigan binaril dahil pabalang sumagot, dedo
Oct 12, 2026
QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026

