Huli

Lalaki kulong sa baril na walang lisensiya

Edd Reyes Sep 28, 2024
86 Views

KALABOSO ang inabot ng lalaki dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Valenzuela City.

Dakong alas-7:50 ng gabi nang pasukin ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang bahay ni alyas Boy Boga sa Dulong Tangke St., Brgy. Malinta bitbit ang search warrant na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Mateo Altarejos ng Branch 16-FC.

Sa paghahalughog nina P/Cpl Gilbert Asirit at P/Cpl Harold Payopay ng Police Sub-Station-4, nakumpiska ang isang kalibre .38 revolver at dalawang bala.

Ayon kay P/Cpl. Selwyn Villanueva, commander ng Sub-Station-4, hindi lisensyado ang nakumpiskang baril na pag-aari ni Boy Boga na dahilan para siya arestuhin.

Sinabi ni Col. Cayaban na pinagtutuunan ng mga pulis ng pansin ang kaligtasan ng bawa’t komunidad at ang pagkakakumpiska ng baril isang paraan sa pagsugpo sa karahasan at pagtiyak na hindi mapupunta sa mga kriminal ang mga loose firearms.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek.