Antipolo

Lalaki patay, 2 duguan sa barilan sa parking lot

4 Views

ISANG lalake ang patay habang dalawa ang sugatan matapos pagbabarilin ng di pa kilalalang salarin sa F. Manalo St., Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Ayon sa Antipolo police, ang biktima ay nakilalang si Philip John Tumlos.

Napag-alamang nakatanggap ng report ang Antipolo Component City Police Station headquarters mula sa City Base ng Antipolo tungkol sa trahedya.

Si PLt, Augusto Jepa at mga imbestigador ay agarang nagtungo sa parking lot ng MLQ Wet and Dry Market na matatagpuan sa F. Manalo St., Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal kung saan nadatnan nilang nakahandusay sa semento ang nasawing lalaki at dalawang sugatan.

Ang mga biktima ay isinugod sa Rizal Provincial Hospital System Annex II sa Bgy. Dalig, Antipolo City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo ang mga biktima sa nasabing parking lot nang biglang sumulpot ang suspek bandang 7:40 p.m.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspek ang mga biktima bago ito tumakas.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naganap na barilan.