Calendar
Provincial
Lalaki tiklo sa pagnanakaw, shabu
Gil Aman
Dec 21, 2024
99
Views
ARESTADO ang isang lalaki matapos mahulihan ng anim na pakete ng hinihinalang shabu at nakawan ang isang kotse sa Cainta, Rizal.
Kinilala ang suspek na si alyas Axel, 28.
Ayon sa ulat, nangyari ang krimen noong December 20 bandang alas-5:30 ng hapon sa parking area ng grocery store sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, Brgy. Sto Domingo, Cainta, Rizal.
Tumakbo ang suspek dala ang umano’y ninakaw na body bag na may lamang wallet, mga ID, relo at pera na nagkakahalaga ng P60,000.
Nakuhanan pa ng anim na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 1 gramo at may standard price na P6,800 ang suspek.
Midwives mas malaki kita sa mga nurses–BPSU pres
Feb 22, 2025
LUISTRO TUMULONG SA PAGPAGAWA NG BAGONG TULAY
Feb 22, 2025
Lian, Rosario, Calaca nagkaroon ng dental mission
Feb 22, 2025