Vargas panalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki tiklo sa vote-buying
Bernard Galang
May 15, 2025
17
Views
CAMP OLIVAS–Arestado ang isang lalaki dahil sa umano’y pamimili ng boto sa Bulacan noong araw ng halalan.
Sinabi ng Bulacan police kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo na mayroong nag-report sa mga pulis ng San Jose del Monte City na noong halalan isang sasakyan na may pangalan ng kandidato ang nakitang umiikot sa Tungkong Mangga Elementary School sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte (SJDM) City.
Rumesponde ang mga operatiba ng SJDM at City Traffic Management Office at nadatnan ang isang 62-anyos na umano’y driver ng isang kandidato sa na namamahagi ng food packs sa mga botante.
Inaresto ang lalaki dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code o Batas Pambansa 881.
Boodle fight ginanap sa Jaen
May 15, 2025
Mga bagong congressman sa NE iprinoklama na
May 15, 2025
Rep. Luistro nanalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Lalaki nalunod sa Laiya
May 15, 2025