Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki timbog sa panghahataw ng tubo sa ulo ng lolo, 75,
Jojo Cesar Magsombol
Jan 21, 2025
111
Views
ARESTADO noong Miyerkules ang 50-anyos na lalaki na pinatay ang kanyang kapitbahay sa pamamagitan ng paghataw ng tubo sa ulo sa Brgy. Sta. Ana Taytay, Rizal.
Todas ang biktima na si alyas Domingo, 75, sa hataw ng suspek na si alyas Romy.
Nangyari ang insidente bandang alas-4:00 ng umaga ng makita ng isang testigo ang suspek na may hawak na tubo at walang habas na pinalo sa ulo ang biktima dahilan upang humandusay at tuluyang masawi.
Naaresto ang suspek at hindi na nakapalag ng damputin at dalhin sa istasyon ng pulisya.
Nag-ugat ang insidente sa matagal na alitan ng biktima at suspek dahil sa basura, ayon sa pulisya.
Nakapiit na sa Taytay custodial facility ang suspek na mahaharap sa kasong murder.
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025