BPPO

Lalaking suspek na tulak diretso sa selda

29 Views

CAMP GEN. MIGUEL C. MALVAR--Naaresto ng mga pulis-Balayan sa Mabini, Batangas ang isang suspek na tulak ng ilegal na droga noong Huwebes.

Ang pag-aresto kay alyas Ando, 55, nangyari dakong alas-2:21 ng hapon sa Brgy. Balibaguhan, Mabini, Batangas bilang bahagi ng kampanya laban sa mga wanted persons.

Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Article II, Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Inisyu ni acting Presiding Judge Janalyn Beron Gainza-Tang, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 11, ng Balayan, Batangas ang arrest warrant para sa suspek.

Pinuri ni P/Col. Jacinto Malinao Jr., acting police provincial director ng Batangas, ang mga pulis sa pagkahuli sa suspek.