BARMM Si UniTeam Presidential Candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kasama ang mga lider ng BARMM sa Manila Hotel.

Landslide victory ibibigay ng BARMM sa BBM-Sara tandem

210 Views

ISANG landslide victory ang ibibigay ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Sa isang simpleng programa sa Manila Hotel noong Biyernes, pumirma ang mga opisyal ng BARMM sa isang oath of commitment upang ipakita ang kanilang suporta kina Marcos at Duterte.

“We the governors, mayors, and traditional leaders of BARMM, commit ourselves to fervently, strongly, and firmly support the unifying leadership and candidacy of Marcos for the position of president of the Republic of the Philippines, and Duterte for the position of vice president of the Republic of the Philippines” sabi sa pledge of commitment.

Dumalo sa programa ang mga gubernador ng Maguindanao, Sulu, Lanao del Sur, Tawi-Tawi kasama ang kani-kanilang mayor at iba pang lider. Naroon din ang mga opisyal ng Basilan at Cotabato.

Ayon kay Sulu Gov. Abdusakur Tan, makukuha ni Marcos ang 80% ng 420,000 boto sa probinsya.

“Pangako ko sa kanya (Marcos) mahina na ang 80% na boto sa buong probinsya kasi wala kaming kalaban. Ang probinsya namin 420, 000 registered voters halos wala kaming kalaban lahat. Ako, anak ko, vice governor, congressman, dalawang congressman, mayor, walang kalaban,” sabi ni Tan.

Nangako naman si Gov. Suharto Ten Mangudadatu, ng Sultan Kudarat na poproteksyunan ang boto ni Marcos sa BARMM.

Ganito rin ang pahayag ni Maguindanao Gov. Bai Miriam Mangudadatu.

“Hindi na mangyayari na gamitin ang Maguindanao, na gamitin ang probinsya namin para mandaya. Handa kaming protektahan ang inyong boto dito sa Maguindanao,” sabi ni Gov. Bai.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga opisyal ng BARMM at nangako na bibigyang prayoridad ng kanyang gobyerno ang mga proyekto at programa na kailangan sa pag-unlad ng Mindanao.

“It is important to show that the idea of ‘pagkakaisa’ the idea of ‘unity’ is not only a campaign slogan, it is a cause, it is something that we truly believe. And with your acts, with your actions tonight in coming together, yourselves, in coming together with the UniTeam is a big manifestation that we have the right message that this unity is in fact what we need in this time of crisis, in this time of difficulty that the Philippines is going through,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na kung mananalo ay kakailanganin nito ang tulong ng lahat at pakikinggan ang mga sasabihin ng mga ito.