Calendar

Larga San Luis: Mayor Hernandez
MAGANDA ang naging talakayan nang makapanayam ng People’sTonight/People’s Taliba ang mayor ng San Luis, Batangas na si Oscarlito Hernandez na kahit gaano ka-busy sa kanyang trabaho at pangangampanya ay nagbigay ng pagkakataon na siya ay makadaum-palad at makausap.
Sinabi ng nasabing alkalde na tumatakbo sa Partido Lakas para kanyang ikalawang termino ang ilan sa kanyang mga nagawa bilang pinuno ng bayan na labis namang ikinatuwa ng kanyang mga mamamayang nasasakupan.
Kasama dito ang Oks na Oks ang mga produkto, agrikultura, ekonomiya, trabahong pangkabuhayan, peace and order, pangingisda, at Eco-Tourism para sa mga taga- San Luiseno.
“Maraming salamat mga minamahal na San Luiseño sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa amin. Ang Team Hernandez-Yulo ay patuloy na maghahatid ng serbisyong Oks na Oks para sa isang mas maunlad at mas progresibong San Luis!,” dagdag pa ng butihing alkalde ng bayan na sakop ni Batangas 2nd district Rep. Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.