Lalaki Ang biktima habang nagpapagaling sa Jose Reyes Medical Center matapos sabuyan ng alcohol at magliyab habang kinikilala ni PLt. Col. June Paolo Abrazado. JONJON C. REYES

Lasing sinabuyan ng alak, sinindihan ang kainuman

Jon-jon Reyes Apr 23, 2026
30 Views

Lalaki1

ARESTADO ng mga pulis sa Ermita ang 33-anyos na lalaki matapos sunugin ang kanyang kainuman sa F. Munoz St., Brgy. 738, San Andres, Malate, Manila noong Linggo.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, hepe ng MPD Ermita Police Station 5, ang suspek na si alyas Mark habang inoobserbahan sa ospital si alyas Joseph, 38.

Ayon kay Police Capt. Edgar Julian, bandang alas-1:35 ng hapon dinala nila Pat Kenneth Ron L Alcoreza, Pat Karlo A  Castro, Pat Kim Kenneth Abalos at Pat Johann Bren ang suspek na naunang nagreklamo na pinagtulungan ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.

Bumalik ang suspek sa apartment at sinubukang pasukin ang unit ng biktima para kunin ang kanyang mga gamit ngunit pinagtulungan siya ng ilang hindi pa nakikilalang mga tao.

Nang tumuloy sa apartment ang suspek kasama ang mga pulis, nalaman na nagtamo ng mga pinsala sa kanyang bibig ang suspek mula sa biktima.

Nang matanggap ng duty investigators ang tunay na nangyari mula sa suspek at biktima agad na tumuloy ang mga kapulisan sa nasabing ospital para magsagawa ng imbestigasyon.

Nakita ang biktima at kalaunan ay iniharap sa kanya ang suspek at doon, positibong kinilala ng biktima ang suspek na siya ring nagtamo ng pinsala sa kanya kaya naaresto.

Dinala ang suspek sa Sta. Ana Hospital para sa pisikal na pagsusuri.

Bandang alas-8:00 ng gabi noong Abril 18, siya at ang suspek ay nag-iinuman kasama ang iba pang mga nangungupahan sa rooftop ng apartment.

Pagkatapos nito, ang suspek, na tila lasing, ay nagsimulang manukso at mangulit sa biktima.

Pinatahimik sila ng iba pang mga nangungupahan na naroroon. Pagkatapos nito, nagbanta ang suspek na susunugin ang unit ng biktima bago umalis sa lugar.

Bandang ala-1:00 ng madaling araw, bumalik ang suspek sa rooftop at sinabuyan ng alak ang biktima saka sinindihan ng lighter.

Pagkatapos nito, tumakas ang suspek habang ang biktima ay dumiretso sa comfort room para apulahin ang apoy sa kanyang katawan.

Nagtamo ang biktima ng superficial to deep partial burns sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder.