Frasco

Last minute bago ang SONA ni PBBM, Frasco hataw pa rin sa pagbibigay serbisyo

Mar Rodriguez Jul 22, 2024
99 Views

Frasco1Frasco2Frasco3𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗡𝗔) 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿., 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘁𝗺𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗰𝗮𝘀𝗵 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿.

Kahit last minute, bago ang pagbubukas ng 3rd regular session ng Kamara de Representantes kasabay ng ikatlong SONA ni Pangulong Marcos, Jr. humahataw pa rin si Frasco sa paglilingkod sa mga kababayan.

Ganito ang naging kaganapan sa Catmon matapos mamahagi ang House Deputy Speaker ng tinatayang nasa P3.26 million para sa mahigit 500 benepisyaryo.

Kasabay nito, pinangasiwaan din ni Frasco ang panunumpa ng tatlong bagong kasapi ng “Team Frasco” na sina Barangay Captain Ruben Toilo ng Panalipan, Kapitan Alberta Rosal ng Corazon at Kapitan Rene Colinares mula sa bayan ng Flores.

Sabi ni Frasco, wala siyang inaaksayang sandali sapagkat ang bawat oras ay mahalaga upang ipagpatuloy ang kaniyang paglilingkod at pagbibigay serbisyo para sa kaniyang mahihirap na kababayan.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na may session man o wala ang Kamara de Representantes hindi aniya siya humihinto sa pamamahagi ng tulong sa libo-libong benepisyaryo lalo na sa pamamagitan ng cash assistance at libreng scholarahip para naman sa mga mahihirap na estudyante.