Calendar
LEDAC priority bills lusot na sa appropriations committee–MAJO Marcos
LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Alexander “Sandro” Marcos.
Sinabi ni Marcos na tuloy-tuloy ang pag-usad ng mga pangunahing panukalang batas na nakapaloob sa LEDAC matapos itong aprubahan kamakailan ng Committee on Appropriations panel kabilang ang Presidential Merit Scholarship program.
Inaprubahan na rin sa Committee on Appropriations ang panukalang batas tungkol sa pagsusulong ng National Land Use Act na isang patunay na umuusad na ang mga priority bills ng LEDAC.
Sinabi ni Marcos na ang mabilis na pagkaka-apruba sa mga priority bills ay dahil sa mahusay na pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
“These Committee-level approvals show the House is doing the hard work early under the steady guidance of Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III. Building consensus, refining policy and making sure the measures we bring to the floor,” sabi ni Marcos.
Ayon sa kongresista, layunin ng scholarship bill na magkaroon ng merit-based support para sa mga top senior high school graduates habang ang Land Use Act ay nagtatatag ng pambansang balangkas para mapanatili ang alokasyon ng lupa.
Sabi din ni Marcos na ang panukalang batas para sa scholarship ay isinulong ni TINGOG Party List Rep. Jude Acidre sa Committee on Appropriations na Chairman din ng House Committee on Higher and Technical Education.

