Bayani Jose Rizal Larawan ng National Museum of the Philippines

Letters to my Totga inilunsad sa Maynila

Edd Reyes Feb 13, 2026
81 Views
Bayani1
Leonor Rivera
Larawan ng Yuchengco Museum

INILUNSAD sa Lungsod ng Maynila ang “Letters to My TOTGA” na mag-aalok ng isang lugar ng pagninilay para sa pag-ibig, pagkawala at tuluyang pagtatapos, bilang isang karanasan sa Araw ng mga Puso na sisimulan ng Pebrero 14 hanggang sa 28 sa Paco Park.

Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), ang konsepto ay hango sa inspirasyon ng kasaysayan ng pag-ibig nina Jose Rizal at Leonor Rivera, kung saan ang kanilang long-distance relationship ay nabunyag sa kanilang palitan ng liham na sa huli ay nauwi sa paghihiwalay at itinuring na isa sa pinakanaaalalang hindi natapos na romansa sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pinili ang Paco Park sa paglulunsad ng liham sa aking TOTGA o “The One That Got Away” dahil dito minsang inilagak ang labi nina Rizal at Rivera bago pa inilipat sa hindi na matukoy na lugar.

Ang mga lalahok ay maaaring magpaabot ng mensahe sa isang dating karelasyon, sa mga lihim nilang pag-ibig, o sa dating naging ka-relasyon na hinubog ng kasawian o pagbabago sa sarili at ididikit ang liham sa “TOTGA Wall” kapag nagawa na nila ito sa loob ng heritage-inspired na sulok ng parke.

Libre at bukas sa publiko ang paglahok bilang bahagi ng paggunita ng Valentine’s Day.

Color-coded din ang mga liham batay sa kanilang tema, tulad ng asul para sa right person, wrong time; gray sa the love that was never spoken; dilaw para sa the eternal “what if”; puti sa no closure, no explanation; berde para sa the love you release to grow; at purple para sa self you had to leave behind.