Lolo

Lolo nasakote sa pagmolestya sa menor de edad

Edd Reyes Feb 13, 2026
98 Views

TIMBOG ang 62-anyos na lolo na wanted sa pagmomolestiya sa menor-de-edad na biktima matapos matunton sa loob ng isang mortuary Huwebes ng hapon sa Taguig City.

Dakong alas-4 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo si alyas “Lolo Nicanor” sa loob ng gusali ng Multi-Purpose Mortuary sa Brgy. Pembo matapos ang ilang araw lang na pagtugis.

Sa report ni District Special Operations Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr. naglabas ng warrant of arrest nito lang Pebrero 11, 2026 si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 laban sa akusado para sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

May inilaan namang piyansa ang hukuman na nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakadetine ngayon sa custodial facility ng DSOU habang hinihintay ang kautusan ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Taguig City Jail.