Isko1 Si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagdiriwang ng 125th anniversary ng Manila Police District sa UN Ave., Ermita. JONJON C. REYES

MPD’s 125th anniv dinaluhan ni Mayor Isko, VM Chi

Jon-jon Reyes Feb 13, 2026
396 Views

IskoNAGKAROON ng wreath laying na dinaluhan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza para sa 125th anniversary ng pagkakatatag ng Manila Police District (MPD) noong Biyernes.

Kasabay ng wreath laying, pinasinayaan din ang Museum of the Manila’s Finest kung saan tampok ang mga ginamit ng mga pulis simula ng maitatag ito.

Nagbigay din ng 21-gun salute bilang pagbibigay respeto sa mga kapulisan ng Maynila na tinaguriang mga bayani.

Pinuri ni Mayor Isko ang MPD sa maayos na peace and order sa lungsod.

Pinasalamatan ng alkalde ang pamumuno ni MPD Director P/Brig. General Arnold Abad.

Tiniyak ng alkalde na ang polisiya ng lokal na pamahalaan kaugnay sa peace and order situation sa ilalim ng pamumuno ni Interior Secretary Jonvic Remulla.