Tagaytay1

Libo-libong turista inaasahang dadagsa sa Tagaytay — Bambol

Dennis Abrina Dec 28, 2024
13 Views

TAGAYTAY CITY–Inaasahang dadagsa ang libu-libong turista sa mga huling araw ng 2024 at unang linggo ng 2025 dahil peak ng pag-akyat sa Tagaytay sa mga araw na nabanggit.

Nakahanda ang local government dito sa pamumuno ni Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino at mga stakeholders sa daan libong turista na aakyat sa Tagaytay.

“The hotels are now in near full capacity and the Mabuhay accommodation may mga still available pa,” sabi ni Dr. Kim Fajardo, Executive Vice President ng Tagaytay Tourism Council

Sinisiguro ng LGU na maraming options na mga roads leading to Tagaytay and other tourists spots sa Silang, Amadeo, Mendez at Alfonso.

Dumadagsa ang turista sa mga nature parks dahil sa magandang climate dito, bukod sa Baguio City na mas malapit puntahan para mamasyal kasama ang mga pamilya.

“Tagaytay has the best viewpoint of the Taal Volcano, kaya kinawiwilihan ng mga turista na pumunta at mamasyal dito,” sabi ni Tolentino.