Duke

Libreng dialysis treatment para sa mahihirap isinulong

Mar Rodriguez May 18, 2023
197 Views

NAIS matulungan ng isang Visayas congressman ang napakaraming indigent Filipinos na walang kakayahang magbayad ng kanilang pagpapa-dialysis dahil sa kanilang hikahos na pamumulay at kakulangan sa pera. Kaya isinulong nito ang kaniyang panukalang batas para sa libreng dialysis treatment.

Inihain ni Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang House Bill No. 100 sa Kamara de Representantes para matulungan ang mga indigent Filipino patients na magkaroon ng libreng dialysis treatment sa national, regional at provincial hospitals at clinics.

Sinabi ni Frasco na ang sakit sa atay o kidney problem ay nananatiling nasa top 10 o pinaka-mataas na antas bilang sanhi ng tinatawag na “morbidity” sa Pilipinas. Batay narin sa inilabas na datos ng World Health Organization (WHO) na inilathala naman noong 2020 Kidney Disease Death in the Philippines.

Binanggit pa ni Frasco na alinsunod sa datos ng WHO, umabot aniya sa 39.380 o 5.84% ang bilang mga Pilipinong namatay dahil sa sakit sa atay. Kung saan, sumampa naman sa 51.96% ang death rate per 100.000 ang population rank sa Pilipinas. Kaya ang bansa ang nangunguna sa buong mundo.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang mga Pilipinong namumuhay sa kahirapan o nasa “poverty line” na may kidney problem ay walang kakayahang magbayad ng P2,500 per session para sa isang dialysis treatment. Dahil masyado aniyang mabigat ang bayaring ito para sa kanila.

Dahil dito, layunin ni Frasco na maibsan ang bigat at hirap na nararamdaman ng mga indigent Filipino patients sa pagmamagitan ng paglalagay o pag-eestablisa ng mga dialysis clinics sa lahat ng national, regional at provincial hospitals sa buong bansa para mapagsilbihan ang pangangailangan ng publiko.

Sinabi pa ni Frasco na napakalaking tulong para sa mga mahihirap na pasyente ang pagkakaroon ng sangay ng dialysis center tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa mga lalawigan at iba’t-ibang rehiyon sapagkat hindi na sila kailangang pang lumuwas ng Maynila para sa dialysis treatment.

Binigyang diin pa ng kongresista na mas lalong makakapag-bigay ng kaginhawahan para sa mga mahihirap na pasyente kung ang isang dialysis treatment ay gagawing libre sa mga ospital at klinika na malapit sa kanilang lugar.