DOH

Mahigit 9k bagong kaso ng COVID naitala

92 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 9,465 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa mula Mayo 1 hanggang 7.

Ayon sa DOH mayroong daily average na 1,352, mas mataas ng 112 kumpara sa naitala noong huling linggo ng Abril.

Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng mga nasawi sanhi ng Covid-19 sa bansa. Isa ang naitala noong Abril 2023, dalawa noong Marso 2023, isa noong Setyembre 2022, apat noong Agosto 2022, at isa noong Hulyo 2022.