BBM

Pagpapabakuna laban sa Covid-19 muling iginiit ni PBBM

99 Views

PALALAKASIN ng gobyerno ang kampanya nito para sa pagbabakuna laban sa Covid-19 sa gitna ng dumaraming bilang ng mga nahahawa nito.

“We will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa init, that brings down…humihina ang katawan and that will make them more vulnerable to COVID again,” ani Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Naniniwala naman ang Pangulo na handa ang gobyerno na tugunan ang isyu upang hindi na ito lumala.

“We might have to think about it… ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano… we’re still going to be able to do it,” dagdag pa ng Pangulo.