Executive Secretary Vic Rodriguez

Listahan ng holiday sa 2023 inilabas na ng Palasyo

187 Views

INILABAS na ng Malacañang nitong Martes ang listahan ng mga holiday para sa susunod na taon.

Ang Proclamation 42 ay pirmado ni Executive Secretary Vic Rodriguez at naglalaman ito ng mga regular at special non-working holiday.

Regular holiday ang:

New Year’s Day – Enero 1

Araw ng Kagitingan – Abril 9

Maundy Thursday – Abril 6

Good Friday – Abril 7

Labor Day – Mayo 1

Independence Day – Hunyo 12

National Heroes Day – Agosto 28

Bonifacio Day – Nobyembre 30

Christmas Day – Disyembre 25 at

Rizal Day – Disyembre 30

Special non-working naman ang sumusunod:

EDSA People Power Revolution Anniversary – Pebrero 25

Black Saturday – Abril 8

Ninoy Aquino Day – Agosto 21

All Saints’ Day – Nobyembre 1

Additional Special Non-Working Day – Nobyembre 2

Feast of the Immaculate Conception of Mary – Disyembre 8

Huling araw ng taon – Disyembre 31

Itinuturing din na non-working holiday ang paggunita ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha na ilalabas ang petsa batay sa Islamic o lunar calendar. Ang National Commission on Muslim Filipinos and siyang magrerekomenda sa Pangulo kung kailan ito gugunitain.