Sen Pacquiao.

Lokal na pamahalaan ng Bulacan nagpahayag ng suporta kay Pacquiao

Mar Rodriguez May 8, 2025
21 Views

MALOLOS, BULACAN – Pormal ng inihayag ng lokal na pamahalaan ng lalawigang ito sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando ang kanilang solidong pagsuporta kay Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidatd Manny “Pacman” Pacquiao sa pagnanais nitong makabalik sa Senado ngayong 2025.

Sa ginanap na pagpupulong sa Malolos, nangako ang political bloc ni Fernando kasama si Vice Governor Alex Castro na hihikayatin nila ang mga lokal na lider ng lalawigan at mga Bulakenyo na suportahan si Pacquiao dahil sa kaniyang maka-masang mga polisiya at bisyon para sa kaunlaran ng Bulacan.

Sa naturang pulong, tinalakay nina Pacquiao at Castro ang mga pangunahing suliranin sa Bulacan katulad ng pagbaha, isyu ng serbisyo ng tubig at ang pangangailangan para sa mas matibay na paghahanda sa sakuna habang napag-usapan din nila ang pagsusulong ng imprastraktura.

Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat si Pacquiao para kina Governor Fernando at Vice Governor Castro dahil sa kanilang pagtitiwala at suporta.

Sabi ng dating senador na malaki ang potensiyal ng Bulacan subalit kailangan lamang ng sapat na suporta mula sa gobyerno upang tuluyan ng umangat ang pamumuhay ng mga Bulakenyo.

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa tiwala nina Governor Fernando at Vice-Governor Castro. Malaki po ang potensiyal ng lalawigang ito, ang kailangan lamang ay ang suporta ng ating pamahalaan para umangat ang pamumuhay ng mga Bulakenyo,” ani Pacquiao.

Kasabay nito, binigyang diin ng tinaguriang “Pambansang Kamao” na matagal na umano nitong tinututulan ang privatization ng mga pangunahing kompanya tulad ng tubig. Kung saan, hindi dapat ipasa sa isang pribadong kompanya ang serbisyo na nagpapahirap sa mamamayan dahil sa mataas na singil.

To God be the Glory