Lola

Lola tumawid, nasalpok ng van, diretso sa langit

Jon-jon Reyes May 4, 2026
23 Views

Lola1

Lola2
Nagbigay ng pahayag si Police Capt. Joel Aquino ng MPD TEU kaugnay sa biktima na nasagasaan ng L300 van sa Jose Abad Santos corner Bambang St., Tondo, Manila. JONJON C. REYES

TIGOK on-the-spot ang 70-anyos na lola na nasalpok ng L300 van habang tumatawid sa Jose Abad Santos corner Bambang Sts., Tondo, Manila noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si alyas lola Evelyn, 70, at nasa kustodiya na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver ng van na si alyas Bernie.

Ayon kay Police Capt. Joel Aquino, chief ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng MPD Traffic Enforcement Unit, bandang alas-7:50 ng umaga ng mangyari ang aksidente.

Binabagtas ng van (NKG-8537) ang northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue pero pagsapit ng kanto ng Bambang St. sa Tondo, Maynila sumalpok sa van ang biktima na noon ay tumatawid.

Ang biktima ay tumilapon ng ilang metro ang bago plumakda sa kalye na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Rumesponde ang mga kagawad sa pamumuno ni Victor Absalon pero patay na ang biktima.