Lolit Larawan mula sa IG/@akosilolitsolis

Lolit humanga kina Toni, Paul

175 Views

INAMIN ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis na siya ay isang ‘fan’ ng mag-asawang sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Sa kanyang Instagram page, pinaulanan niya ng papuri at paghanga ang TV host-actress at direktor.

Sey ni Manay Lolit ay suwerte raw ang dalawa dahil sa chemistry at respeto nila sa isa’t isa.

Binanggit din ng beteranang kolumnista ang trabaho nina Toni at Paul, maging ang kanilang mga anak na sina Seve at Polly.

“Tuwa naman ako sa mag asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga Salve. Kitang kita mo ang chemistry at respeto nila sa isa’t isa kaya naman sinu suwerte silang dalawa,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

“Eversince talaga fan ako ang mag asawa dahil very polite sila at approachable. Saka friendly sila sa lahat. Maganda mga trabaho ni direk Paul Soriano plus good actress naman si Toni Gonzaga.

Cute family sila kasama ng 2 nilang anak,” pagpapatuloy ng showbiz columnist.

“Bongga nga dahil parang magiging busy sila pareho sa kanilang career. At least mahusay sila sa time management. Bongga,” dagdag pa niya.