Just In

Calendar

May 2024
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Martin3

Lolo na si Martin, lola na si Pops

Eugene Asis Mar 16, 2024
74 Views

Martin4PopsMartin5PAGKATAPOS ng 25 taon, nagbabalik ang tinaguriang Concert King na si Martin Nievera sa kanyang original home studio, ang Vicor kung saan niya ginawa ang kanyang multi-platinum album, “Martin…Take One” noong 1983 kung saan nagmula ang kanyang mega hit song na “Be My Lady” ni Vehnee Saturno.

Labing-anim na taon naglagi si Martin sa Vicor kung saan siya nakapag-record ng 12 top-selling albums tulad ng “The Best Gift,” “Martin,” “Miracle,” “A Martin Nievera Christmas,” “Dream,” “A New Start,” “Roads,” “Journey,” “Forever,” “Forever, Forever,” at “The Return to Forever”na ni-release noong 1999.

Nitong Biyernes, pumirma ng bagong kontrata si Martin sa Vicor na pag-aari na ngayon ng Viva Entertainment.

“This is the company where I started to get noticed especially when my first hit song, “Be My Lady” was released,” ani Martin sa kanyang contract signing sa Viva boardroom.

Sa contract signing, napag-usapan ang pagkakaroon ni Martin ng unang apo sa kanyang anak na si Robin at sa partner nitong si Mian Acoba. Tatlong buwan na ang kanyang apo na si Finn (Phineas) na tatlong oras lamang niyang nakasama sa Chicago kung saan nakabase si Mian. Kailangan niyang umalis agad dahil may show pa siya noon sa Florida. Sa ngayon, ang ex-wife naman (at mommy ni Robin) na si Pops Fernandez ang naroon para dalawin ang apo.

Ayaw ni Pops na tawagin siyang lola, at ganun din naman si Martin na ayaw patawag ng lolo. Kaya, loli at lilo ang gusto nilang itawag sa kanila ng apo.

Samantala, bukod sa bagong gagawing album sa Vicor, balak ni Boss Vic na pagsamahin sa isang pelikula sina Martin at Pops.

May gagawin din silang isang concert na si Pops ang magpo-produce.

Napabilib sa kanya si Boss Vic nang ito’y mag-give way sa kanyang guesting sa pre-Valentine concert ni Pops sa The Theater at Solaire last February 9 & 10 sa halip na ituloy niya ang kanyang Valentine concert sa nasabing venue with him headlining the show minus Pops.

Ganun kaganda ang relasyon ngayon ng dating mag-asawa kahit matagal na silang hiwalay. They are both supportive of each other’s careers.

Although wala pang petsa, the ex-couple will mount a major Valentine concert next year which Pops is producing (with her business partners) under DSL Productions na kanyang minana sa kanyang ina, ang dating actress na si Dulce S. Lukban.