Vilma1

Love has no boundaries — Ate Vi

488 Views

Pagkaraan ng ilang taon ay balik-tambalan sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa pelikulang When I Met You In Tokyo at nakasama pa sa entries ng MMFF 2023 kaya for sure ay talagang magiging merry ang Christmas ng kani-kanilang mga tagahanga sa December 25.

Pati nga ang cast at crew ng WIMYIT ay super happy ‘coz napabilang nga sila sa 10 entries ng MMFF 2023, sa true lang.

“Here we are, thanking God above all in allowing us to get this far for a start,” ani Rajan Gidwani, isa sa mga producer.

Inalala niya kung paano ito nagsimula sa isang idea noong isang taon kasama ang partner na si Rowena Jamaji. Naisipan nilang lutuin ang isang plano para palakasing muli ang Philippine cinema.

“It has been a journey, especially after two of the country’s top actors decided to accept the lead roles,” aniya.

Kaya naman bukod sa mga bida, binigyang-pugay ni Rajan ang buong team ng production at iginiit na hindi magiging posible ang pagsasabuhay sa proyekto kung wala sila.

“This is the beginning of JG Productions to continue to bring the best of Filipino cinema to the screens. At the helm of it all and with all the pains of putting together the biggest event in her career, Ms. Redgie Magno, has pushed the limits of her own self in making When I Met You in Tokyo a reality,” sabi pa ng producer.

Sinabi pa ni Rowena na kikilalanin ang malaking ambag ng mga direktor na sina Rado Peru, Rommel Penesa at ng lead actor na nagsilbi ring associate director, si Boyet.

“Our movie directors, Rado and Rommel, along with Boyet, saw through the script and painstakingly brought our movie to life,” aniya.

Ang When I Met You in Tokyo ay isinulat ni Suzette Doctolero at ang director of photography ay si Shayne Sarte, LPS.

Ang JG producers ay excited din na mapabilang ang movie sa Manila International Film Festival na gaganapin naman sa Enero 30, 2023 hanggang Pebrero 2, 2024.

Samantala, hindi rin naitago ni Ate Vi ang kasiyahan nang mabalitang kasama sila sa MMFF.

“Thank God! Thank you, MMFF, for the trust! Teamwork ang movie na ito!

“Very simple love story but beautiful!” pagtitiyak ni Ate Vi na hindi lamang kilig at saya ang hatid ng When I Met You in Tokyo. “May mga lesson din kasi ang movie (like) love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful! Let’s fall in love.”

Naibahagi pa ni Ate Vi na, “Haping-haping-happy! Sobra-sobra. Naliligayahan ako kasi medyo matagal ang preparation namin at hirap sa movie at ngayon we are so blessed na sa dami ng pumasok ay nakasama ang When I Met You in Tokyo.

“I’m very thankful sa MMFF at sa lahat ng nagdasal na makapasok tayo.

“Maganda ‘to. ‘Yung When I Met You in Tokyo noong ginawa ito, pinag-isipan din namin ni Boyet at ng team na gumawa tayo ng very simple pero beautiful love story na magugustuhan ng manonood na hindi mahihirapan ang dibdib, hindi madramang-madrama sa panahon. It’s a very simple and beautiful love story lalo na para sa may mga edad na magre-retire na.”

Sinabi rin ng Star for all Seasons na mahalaga ang aral na dala ng pelikula. Aniya, “Love has no boundaries here. Maski bata ka o middle-aged o senior citizen, you can still fall in love!”

“It’s nice to be in love.” dagdag ni Ate Vi. “Sa lahat ng bagay na ginawa ko sa buhay ko, palagay ko ang susi ay mahal ko ang pamilya ko, mahal ko career ko. Noong ako ay public servant, mahal ko ang mga tao. Babagsak pa rin talaga sa love.

“It’s really hard to be 35 and gorgeous,” pabirong sabi pa ni Ate Vi. “Hindi na rin tayo ganoon kabata pero I’m really excited dahil matagal na rin akong hindi nakasali sa MMFF.”

Tiniyak din ng aktres na sasama siya sa inaabangang Parade of Stars na gaganapin bago ang MMFF.

Inalala nga niya ang mga nakaraang pagsali at pagkapanalo sa festival. “Iniikot namin talaga ang Manila para sa parada. Ang saya-saya ng affair na ‘yan,” pagbabalik-tanaw niya.

Ikinatuwa rin ng premyadong aktres ang nalalapit nilang pagkikita ng kanyang mga tagasuporta. “I will be seeing people again! Makikita ko na naman ang mga fan. Nakaka-excite lalo na after pandemic. Ito ang chance makita ulit ang crowd, ang tao! Sana ma-excite rin sila para sa amin.” ang masayang pagtatapos na pahayag ng Star for All Seasons.

At kung magiging number one sila sa MMFF 2023 kalaban ang siyam na entries well… pahulaan na lang natin kay Madam Damin, boom, ganerrnnn!. Mercy Lejarde