LTO

LTO magsasagawa ng terminal inspection, random drug test sa mga drayber

195 Views

MAGSASAGAWA ng mga terminal inspection at random drug testing sa mga drayber ng pampublikong sasakyan ang Land Transportation Office (LTO) bilang bahagi ng kampanya na maging ligtas ang pagbiyahe.

Ayon sa LTO ang kanilang kampanya ay kaugnay ng pagpapatupad ng Republic Act 10856 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

“This is part of the LTO’s objective to ensure the safety of road users, especially the riding public, so they will not become victims of road crash incidents,” sabi ng pahayag ng LTO.

Kukumpiskahin ng mga tauhan ng LTO ang lisensya ng mga drayber na mahuhuling lasing o gumamit ng ipinagbabawal na gamot at kailangang sumailalim sa rehabilitasyon ang mga ito.

Mula Enero hanggang Agosto 2022, nakapagtala ng 558 road crash incident ang Law Enforcement Service-Anti-Drunk and Drugged Driving Enforcement Unit (LES-ADDDEU) ng LTO.