LTO pinag-aaralan mas maikling exam sa kumukuha ng lisensya

Jun I Legaspi May 6, 2023
261 Views

PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapaikli ng eksaminasyon para sa mga kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho.

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade ang mahabang pagsusulit, na inaabot ng isang oras, ay isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga pumapatol sa fixer.

Isang komite umano ang binuo ni Tugade upang pag-aralan ang driver’s license exam at inatasan ito na paikliin ang pagsusulit ng hindi nasasakripisyo ang pagtukoy sa kaalaman sa pagmamaneho ng kumukuha ng lisensya.

“The instruction I gave to our committee was to compress the exam. This exam reportedly takes about an hour. The agency is now studying how to shorten the exam. I believe that by reducing the exam duration, our applicants will not seek out fixers and will opt to take the exam themselves,” sabi ni Tugade.

Bukod sa pagsusulit para sa kumukuha ng non-professional driver’s license, pag-aaralan din umano ng komite ang exam para sa kumukuha ng conductor’s license, pagpapalit ng klasipikasyon mula non-professional patungong professional, at pagdaragdag ng driver’s license code.

Tinitignan din umano ang pag-customize ng eksaminasyon depende kung para sa anong driver’s license code ang kinukuha.