MRT3

23k manggagawa nakalibre ng sakay sa MRT-3

118 Views

UMABOT sa 23,527 manggagawa ang nakalibre ng sakay sa Metro Rail Transit 3 noong Mayo 1, Labor Day.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, 9,486 ang sumakay ng libre mula alas-7 hanggang 9 ng umaga, samantalang 14,041 naman mula alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng Department of Labor and Employment para sa mga manggagawa bilang pagpupugay sa kanila sa kanilang espesyal na araw.

Umabot naman sa 201,321 ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa MRT-3 noong Mayo 1.