Luz

Luz Fernandez namaalam na

Aster A Amoyo Mar 6, 2022
324 Views

Luz1Luz2TULUYAN nang namaalam ang veteran radio, TV & movie actress na si Luzviminda `Luz’ Fernandez nung umaga ng March 5, 2022 (Sabado) dahil sa cardiac arrest sa edad na 86. She is survived by her three children and grandchildren.

Nagsimulang makilala si Luz as a radio (actress) talent ng mga drama series ng dating Metropolitan Broadcasting Company (MBC) now Manila Broadcasting Company na pinamumunuan ni Fred J. Elizalde ng Elizalde Holdings Corporation.

Ang flagship radio station ng MBC ay ang DZRH na siyang oldest radio station in the country na siyang nagpasimula ng mga radio drama programs sa Pilipinas kung saan nagkaroon ng strong following ang iba’t ibang radio drama personalities tulad ng yumaong si Augusto Victa, the late Dely Magpayo na mas kilala bilang si Tiya Dely at maging si Luz Fernandez.

Hindi alintana noon ni Luz ang pagku-commute mula sa Marikina kung saan sila dati nakatira hanggang sa Plaza Cervantes in Binondo, Manila kung saan noon ang DZRH ng MBC.

Unang sumakabilang buhay si Tiya Dely sa edad na 87 nung Sepember 1, 2008 habang si Augusto nung March 18, 2019 at age 70.

Tulad ni Augusto, si Luz ay nag-cross over mula radio hanggang sa TV at pelikula.

Kung well-loved and boses sa mga radio drama series ng yumaong si Augusto na nag-cross over din sa telebisyon at pelikula, kakaiba naman ang boses ni Luz dahil naging in-demand siya sa mga villain roles maging sa TV at pelikula. Ang kanyang boses noon ay madalas ginagamit sa kontrabida roles maging sa mga papel ng horror series. Habang si Tiya Dely ay nakilala nang husto sa mga advise program sa kanyang “Ito ang Inyong Tiya Dely” na tumagal din sa ere ng ilang dekada. Pero ang boses ni Luz ang tumatak sa young radio listeners bilang si “Lola Basyang,” ang classic character ng isang mabait na grandmother na nagbibigay ng mga payo at kuwento sa mga bata with family values. She also reprised the role of “Lola Basyang” sa Ballet Manila’s “Tatlong Kuwento ni Lola Basyang” ni Severino Reyes in August 2015.

Tuwang-tuwa noon si Luz dahil hindi siya kontrabida sa kanyang “Lola Basyang” role at hindi kinamumuhian ang kanyang character. Ang maganda pa, isa ito sa mga top-rating radio drama programs ng DZRH.

In her entire radio career, si Luz ay nanilbihan lamang sa isang radio station, ang DZRH na tumagal ng 64 na taon na kanyang sinimulan in the 1950s.

Kahit maliit lamang ang talent fee sa radio, hindi ito alintana ni Luz dahil ito ang kanyang first love at mahal niya ang kanyang kinalakihang craft hanggang sa kanyang pagtanda.

Sa telebisyon naman, siya’y huling napanood sa TV series na “Forevermore” in 2014 na tinampukan ng magkasintahan na ngayon na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Naging bahagi rin siya na sitcom noon ni Vic Sotto, ang “Okay Ka, Fairy Ko” At nakagawa rin siya ng ilan pang serye sa telebisyon.

Dahil sa malamig na climate ng Baguio at magdamagang tapings, nagkasakit si Luz.

On her 80th birthday, nag-worry ang kanyang mga anak at mga apo na hindi ito umabot sa kanyang birthday celebration dahil umaga na siya nakauwi galing sa isang shooting.

Sabi ng kanyang anak na si Erika Lee Fernandez Gaspar, nung nabubuhay pa ang kanyang ina ay wala umano itong balak na mag-retiro sa kanyang trabaho hangga’t kaya pa niya. Ganoon ka-dedicated sa kanyang trabaho bilang aktres si Luz.

“Hangga’t kaya ko, ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko,” pahayag noon ng veteran actress.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Luz ay ang “Ursula” in 1976, “Takbo, Talon, Tili!” in 1992, “Feng Shui” in 2004, “Malinak ya Labi” in 2019.

In her younger years, naging bahagi rin siya ng teatro. Sa 13 plays ni Wilfrido Ma. Guerrero ay kasama siya including “Deep In My Heart”.

Samantala, ang mga labi ni Luz ay nakaburol ngayon sa Shapphire 1 ng Loyola Memorial Chapels (Marikina) at siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Miyerkules, March 9, 2022.

Diego1Barbie at Diego nagkabalikan?

MAY mga nagtatanong kung nagkabalikan ba ang nagkahiwalay na magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial dahil may nag-circulate na larawan ng dalawa na nakita umano ang young (un) couple na magkasamang kumakain sa isang restaurant in Ortigas Center nung nakaraang Huwebes, March 3.

Although walang kumpirmasyon na nagmula kay Diego na dagliang lumipad patungong Amerika nung December 30, 2021 without Barbie, ang huli na mismo ang nag-confirm na hiwalay na umano sila ng young actor pagkatapos nilang mag-celebrate ng kanilang ika-1st anniversary bilang magkasintahan last December.

DiegoSa pagbabalik-Pilipinas ni Diego, isa sa kanyang inayos ay ang kanyang pag-reach out sa kanyang nakatampuhang ama, ang actor-director, writer at producer na si Cesar Montano na pitong taon din niyang hindi nakita at nakausap.

Kung totoong nagkabalikang muli sina Diego at Barbie, malamang na si Diego rin ang nag-reach out sa kanyang (ex) girlfriend. At kung ito’y totoo, tiyak na masaya para sa kanila ang kanilang respective families and close friends maging ang kanilang mga fans.

Si Diego ay isa ngayon sa busiest young actors sa bakuran ng Viva at natutuwa at proud sa kanya ang amang si Cesar Montano na nagbabalik-showbiz din sa pamamagitan ng “Blood Brothers” na kanyang pinagbibidahan which he also directed and co-produced under his own CM Film Productions.

Isa sa mga pangarap ni Diego ay magsama sila ni Cesar sa isang full-length movie na silang dalawa ang mga pangunahing bituin.

LoyzagaSamantala, parehong natutuwa ang dalawang babaeng naging bahagi sa buhay ni Cesar sa pagkakaayos nila ng kanyang anak na si Diego, ang ina ni Diego, ang singer-actress na si Teresa Loyzaga at ex-wife ng veteran actor-director, ang singer-actress na si Sunshine Cruz, ina ng kanyang tatlong teen-age daughters na sina Angelina, Cheska at Sam.

Still on Diego, he is extra close sa kanyang half-siblings na sina Angelina, Cheska at Sam maging sa kanyang older half-brother sa mother side na si Joseph.

Eric di nagdedesisyong mag-isa

HINDI man si Eric Quizon ang panganay na kanilang 18 magkakapatid, siya ang naatasang maging spokesperson at administrator sa mga properties na iniwan ng kanilang yumaong ama, ang comedy king na si Dolphy. Pero ayon sa dating model-turned actor-director at producer na si Eric, hindi umano siya magde-desisyon ng isang bagay for his siblings nang walang konsultasyon sa kanyang mga kapatid.

Si Eric ang nakipag-negosasyon sa developer ng Dolphyville in Calatagan, Batangas kung saan 50-50 ang kanilang napagkasunduang sharing. Sa nasabing lugar matatagpuan ang museum ni Dolphy. Magkakaroon din umano ng hotel na ang mga rooms ay nakapangalan sa kanilang 18 magkakapatid habang ang mga function rooms naman ay nakapangalan sa mga ina ng kanyang mga anak o nakarelasyon ng ace comedian.

Ayon kay Eric, pinangangalagaan umano nila ang legacy na iniwan ng kanilang namayapang ama.

Catch my exclusive interview with Eric and brother Epy Quizon on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.