Madrona

Madrona, muling naghain ng COC para maipagpatuloy ang mga proyekto para sa turismo ng Pilipinas

Mar Rodriguez Oct 9, 2024
72 Views

Madrona1DAHIL sa napakaganda at napaka-husay na performance ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona bilang Chairman ng House Committee on Tourism. Ayaw nitong sayangin ang pagkakataon na muling makapag-lingkod bilang Kinatawan ng nasabing lalawigan at maipagpatuloy din nito ang pagsusulong ng mga programa at proyekto para sa ikabubuti ng Philippine tourism.

Dahil dito, naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Madrona upang muling magsilbing Kinatawan ng Romblon kasama na ang paghahain din nito ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) para sa posisyon ng pagiging kongresista.

Nagtungo si Madrona sa Provincial Office ng Commission on Elections (COMELEC) sa Romblon, Romblon para maghain ng kaniyang COC para sa kaniyang re-election bilang Kinatawan ng lalawigan.

Sabi ni Madrona na kung sakaling muli siyang papalarin na makapag-silbi bilang kongresista. Sisikapin nito na maipagpatuloy ang mga magagandang proyekto at programang kaniyang isinulong para sa kapakinabangan ng libo-libong Romblomanon.

Ayon sa kongresista, ang mismong buong mamamayan na ng Romblon ang humihiling at nakiki-usap sa kaniya na muli siyang maupo sa Kamara de Representantes bilang Kinatawan nila dahil sa mga natatanging serbisyo na naipagkaloob nito para guminhawa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng mga programa at proyekto.

“Paano ka ba naman tatanggi kung ang mismong mamamayan na ng Romblon ang nakiki-usap sayo na muli kang kumandidato bilang Kinatawa nila. Ito’y dahil nakita nila mismo ang ating mga pagsisikap na mapabuti ang kanilang buhay sa mga tulong na ibinibigay natin sa kanila,” paliwanag ni Madrona.