Madrona

Madrona: Pagbangon ng PH tourism bunga  ng mahusay na pamamahala ni Frasco

Mar Rodriguez Aug 22, 2023
155 Views
Frasco
Tourism Sec. Christina Garcia Frasco

SA KABILA ng mga kontrobersiyang ikinulapol ng mga kritiko laban sa Department of Tourism, ikinagagalak ng House Committee on Tourism ang unti-unting pagbangon ng Philippine tourism na tinawag nitong “alive and kicking” o buhay na buhay alinsunod ng mga impresibong resulta ng mga datos.

Binigyang diin ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism, na alinsunod sa datos ng Tourism Department, mula January hanggang July ng taong kasalukuyan ay nakalikom o kumita ang pamahalaan ng tinatayang nasa P286 billion batay naman sa 66% ng tourism arrivals na mas mataas sa average ASEAN growth ng 54%.

Idinagdag pa ni Madrona na mismong si Tourism Sec. Christina Garcia Frasco na ang naghayag na noong August 10, 2023 ay nasa 3,376,514 foreign visitors ang dumating sa Pilipinas na nangangahulugan na nalampasan na nito ng 70% ang 4.8% million baseline industry target ngayong 2023.

Dahil sa mga numerong ito, sinabi pa ni Madrona na ipinapakita lamang nito na unti-unting nakaka-recover ang Philippine tourism at inaasahang mas magiging impresibo ang mga datos ng DOT sa mga darating na panahon.

Bunsod aniya ng mahusay na pamamahala ni Frasco sa Tourism Department.

Ayon pa kay Madrona, ang magandang resulta ng mga datos ay batay rin sa naging pagkilos ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng “priority” at suporta para sa tourism sector.

Ikinagalak din ng Romblon Congressman na 5.3 million trabaho ang naitala ng DOT noong 2022 sa mga tourism related industries. Kung saan, pinatutunayan lamang nito aniya na ang tourism industry ang pangalawang “economic driver” ng Pilipinas sa larangan ng economic development.