Martin7 Nagtugo si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, kinatawan ng Leyte, at ang kanyang anak na si Andrew Julian K. Romualdez, noong Martes ng gabi sa lamay ng mga mag-aaral na nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Nagpaabot sila ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at binisita rin ang mga nasugatan sa nasabing insidente. Contributed photos

Mag-amang Romualdez nakiramay sa pamilya ng trahedya sa Tacloban

146 Views

Martin6MartinMartin1Martin2Martin3Martin4Martin4NAGTUNGO si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez at ang kanyang anak na si TINGOG Party List Rep. Andrew Julian K. Romualdez ay nagtungo noong Martes ng gabi sa mga lamay ng mga mag-aaral na nasawi sa trahedyang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Binisita rin nila ang mga nasugatan sa nasabing insidente upang kumustahin ang kanilang kalagayan.

Personal na nakipagkita sina Romualdez sa mga naulilang pamilya ng mga biktima upang magpaabot ng kanilang pakikiramay, panalangin, at mga salita ng pagdamay habang patuloy na nagluluksa ang komunidad sa isa sa pinakamalalang insidenteng may kaugnayan sa paaralan sa mga nakaraang taon.

“Nandito tayo para kumustahin at magbigay ng suporta sa kanilang panawagan para sa hustisya,” ani Romualdez.

Ayon sa dalawang mambabatas, ang trahedya ay nagdulot ng matinding sakit hindi lamang sa mga pamilyang direktang naapektuhan kundi maging sa buong lalawigan ng Leyte at sa mas malawak na sambayanang Pilipino.

Tiniyak ng dating Speaker ng Kamara sa mga pamilya ng mga biktima na hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdadalamhati at nangakong susuporta sa kanilang paghahangad ng hustisya habang hinaharap nila ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nag-alay rin si Martin Romualdez ng panalangin para sa agarang paggaling ng mga nasugatan sa pag-atake at nanawagan sa publiko na magkaisa sa pagbibigay ng suporta sa mga biktima at kanilang mga pamilya sa panahong ito ng matinding pagsubok.

Ipinahayag din niya ang pag-asa na mananaig ang hustisya at mapalalakas pa ang mga hakbang upang maiwasan ang mga kahalintulad na trahedya sa mga paaralan at komunidad sa hinaharap.