Martin Sina Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romualdez at maybahay nitong si TINGOG Party List Rep. Yedda Marie K. Romualdez ay nagpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakalagda ng panukalang batas na nagtatatag sa Samar Islands Medical Center sa Calbayog City. Kuha ni VER NOVENO

Mag-asawang Romualdez nagpasalamat kay PRRD sa pagkalagda ng batas na nagtatag ng ospital sa Calbayog

Mar Rodriguez Apr 20, 2022
280 Views

LABIS-LABIS ang pagpapasalamat nina Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romualdez at maybahay nitong si TINGOG Party List Rep. Yedda Marie K. Romualdez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagkakalagda nito sa panukalang batas na nagtatatag sa Samar Islands Medical Center sa Calbayog City.

Itinuturing ng mag-asawang Romualdez na isang “crucial measure” ang nasabing panukalang batas na makikila na ngayon bilang Republic Act (RA) No. 11703 na nagbibigay daan upang maitatag ang Samar Islands Medical Center na kauna-unahang “tertiary hospital” sa Calbayog City.

Ang Department of Health (DoH) ang siyang may-kontrol at mangangasiwa sa nasabing Ospital.

Ang TINGOG Party List group na pinangungunahan nina Congresswoman Yedda Romualdez at kabiyak nitong si House Majority Leader Martin Romualdez ang may inisyatiba at nagsulong ng panukalang batas na isa sa mga prayoridad ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 18th Congress.

“We thank President Duterte for acknowledging the pressing needs of our kababayans in Samar. Tingog has always and continues to advocate for measures that will improve our health system and make heath care accessible,” ayon kay Rep. Yedda Romualdez.

Sinabi pa ng lady solon na dahil sa pagkakatatag sa naturang pagamutan, hindi na aniya kinakailangan pang maglakbay ng apat hanggang limang oras ang mga residente para lamang magpagamot sa pinaka-malapit na Ospital sa Northern Samar.

Habang tatlo hanggang apat na oras naman ang biyahe patungong Eastern Samar para lamang makapagpa-gamot ang mga ilan nilang kababayan sa pinaka-malapit na Ospital.

“With the passage of this law, we hope that patients and their families will no longer have to travel four to five hours from Northern Samar, three to four hours from Eastern Samar. And two to three hours from Samar just to get to the nearest government hospital located in Tacloban Leyte. With these three provinces already having one of the highest poverty incidence in the country, the availability of accessible and affordable hospital care is one of its most pressing needs,” dagdag pa nito.