Calendar

Magkapatid inaresto ng NBI dahil sa kotong
ARESTADO ang magkapatid na babae na umano’y sangkot sa robbery-extortion ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) sa pamumuno ni NBI Director Judge Jaime B.Santiago, sa joint operation na isinagawa nitong Martes sa Ermita, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Wyeth at Leila.
Ayon sa ulat ni NBI Dector Santiago, nag-ugat ang operasyon sa reklamong inihain laban sa unang suspek dahil sa umano’y pangingikil nito.
Ayon sa biktima, lumapit siya kay Wyeth, lisensyadong customs broker, upang hawakan ang kanyang proseso ng pag-import sa Pilipinas.
Nagkasundo sila sa all-inclusive fee na P500,000. Sa kabila ng tamang pag-aayos ng P220,938 sa customs duties at taxes, sinabi ni Wyeth na ang kargamento ay nahawakan dahil sa isang misdeclaration. Higit pa rito, humingi pa umano ng karagdagang P1,900,000 na “grease money,” ang suspek na dapat ipamahagi sa iba’t ibang dibisyon ng Bureau of Customs (BOC), gayundin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG), upang mapadali ang pagpapalabas ng importasyon.
Dito na nag-desisyon ang complainant na magsamapa ng reklamo
Matapos makipag-ugnayan sa BOC, nagsagawa ng ng joint entrapment operation para madakip ang suspek. Kasama ang magkasanib na elemento ng NBI-OTCD at BOC-CIIS, MICP, ay tumuloy ang biktima sa isang coffee shop sa Ermita, Manila, kung saan ibibigay ang hinihinging pera ng suspek.
Ang magkasanib na mga operatiba ay nakaposisyon nang maingat sa paligid at positibong kinilala ang suspek at ang isang kasama nito, na kalaunan ay kinilala bilang kanyang kapatid na si Leila.
Sa pag-abot ng marked money ng biktima kay Wyeth, agad na nilapitan ng magkasanib na mga operatiba na nag -esulta sa pagkaka aresto sa mga suspek.
Dinala ang mga naarestong indibidwal sa tanggapan ng NBI-OTCD para sa post-arrest procedures. Sumailalim si Wyeth sa Ultraviolet Light Examination sa Forensic Chemistry Division (FCD), na nagbunga ng mga positibong resulta para sa fluorescent powder dust, na nagpapahiwatig ng pisikal na pakikipag-ugnayan sa perang pang-etrap. Pagkatapos nito, ang mga naarestong suspek ay iniharap para sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor sa Maynila para sa nabanggit na paglabag.
Pinuri ni Director Santiago ang mga ahente ng NBI-OTCD para sa matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na inter-agency coordination sa pagsasagawa ng law enforcement operations..