Calendar
Magnificent 12 ng Gilas
LIMANG araw na lamang bago magsimula ang pinakahihintay na FIBA World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Pero bago ito, inaabangan na din ng madaming basketball fans ang pag-anunsyo ni coach Chot Reyes at ng kanyang coaching staff ng final composition ng Gilas Pilipinas na sasabak laban sa Dominican Republic, Angola at Italy sa group phase ng prestihiyosong kumpetisyon.
August 23 ang sinasabing date na kung saan malalaman ang “Magnificent 12” players mula sa 16-man national pool na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang national basketball body na pinangungunahan naman ni Al Panlilio.
Sino ang mga ito?
Base sa kanilang naging laro sa tuneup game ng Gilas laban sa Ivory Coast sa Philsports Arena nitong Biyernes ng gabi, anim hanggang walong players ang nakatitiyak na
HIndi maikakaila na kasama dito sina dating NBA “Sixth Man of the Year” awardee Jordan Clarkson ng Utah Jazz, gayundin ang 7-3 NBA aspirant Kai Sotto, na kalalaro lang sa Orlando Magic sa NBA Summer League sa Las Vegas nitong nakalipas na buwan.
Kapwa maganda ang ipinakita nina Clarkson at Sotto sa closed-door na enkuwentro laban sa Ivory Coast, na kung saan nanalo ang Gilas, 85-62.
Ang 31-year-old Filipino-American, na huling naglaro para sa Gilas sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers nung nakalipas na taon, ay gumawa ng 13 points, six rebounds, one assist at one steal sa 24 minutes na paglaro.
Impresibong mga numero din ang inilatag ni Sotto sa kanyang 10 points, four rebounds at one block bagamat hindi siya nakalahok sa nakalipas na mga team practices ng Gilas dahil sa back spasm na tinamo sa paglaro sa NBA Summer League.
Mahirap isipIn na hindi mapanood para sa Gilas ang mga kagaya nina Clarkson at Sotto sa FIBA World Cup, na kung saan tayo mismo ang host country.
Gaya nina Clarkson at Sotto, halos tiyak na din sina six-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Scottie Thompson pati na din sina Cyprus-born AJ Edu at Dwight Ramos
Madaming fans, lalo na ng Barangay Ginebra, ang nakatutok ang pansin kay Thompson, na kababalik lang sa injury sa kanyang daliri. Gayunman, ang never-say-die Ginebra superstar na kilala sa kanyang tapang sa loob ng court ay naiulat na nasa magandang kundisyon .
Sa tuneup game laban sa Ivory Coast, nagtala si Thompson ng 11 points five assists at four rebounds.
Pagpipilian sa natitirang limang slots sa Gilas sina Rhenz Abando, Roger Pogoy, CJ Perez, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, Ray Parks Jr. at ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena.
Magpapatuloy ang masusing paghahanda ng Gilas — pati na ang pagpili ni Coach Chot — sa gagawing dalawa pang tuneup matches laban sa world No. 18 Montenegro sa Linggo at world No. 31 Mexico sa Lunes.
Pagkatapos nito, ia-anunsyo na ng SBP ang “Magnificent 12” ng Gilas Pilipinas.
Abangan ang susunod na kabanata.
Tulad ng inaasahan naging maganda ang pagsisimula ng kauna-unahang PCAP Inter-Commercial chess team championship sa Estancia Mall sa Pasig.
Hindi maikakaila ang kasiyahan sa mukha nina PCAP president commissioner Atty. Paul Elauria at PCAP chairman Michael Angelo Chua sa magandang sports ng chess community sa naturang kumpetisyon.
At gaya ng nakalipas na PCAP Inter-School, tinampukan ito ng mga magagaling at mshuhusay na mga chess players ng bansa.
Kabilang na sa mga ito ang dalawang National Para Games teams mula PHILSPADA, na pinamamahalaan ng aying kaibigang si James Infiesto at pinangungunahan ng mga award-winning players na sina Sander Severino at Henry Lopez.
Ang presensiya ng mga ito, kasama ang iba pang mga batikang players mula sa iba’t ibang teams gaya ng Philippine Army at PCWorx, ay tila isang show of force na din ng buong chess community sa harap ng maraming sigalot, gaya ng mga threat na ban or suspension sa mga players mula sa mga tinatawag ngayong “undesirables” ng local chess.
Matapos ang mga matinding salpukan sa unang araw ng kumpetisyon, magpapatuloy ang aksyon sa elimination round sa Aug. 20 at play-in, semifinal at championship round sa Aug. 26.
At dahil itinuturing na professional league, full support din ang Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Atty. Richard Clarin.
Hindi pa man natatapos, nakikita na ang malaking tagumpay ng nasabing kumpetisyon.
Mabuhay ang PCAP.
Para sa mga suhestiyon at komento, mag e-mail sa [email protected]