Phivolcs

Magnitude 3.3 lindol yumanig sa Pangasinan

148 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 3.3 ang Pangasinan Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol ala-1:48 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 14 kilometro sa silangan ng bayan ng Infanta at may lalim na 17 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – Infanta, Pangasinan

Intensity II – Dasol, Pangasinan

Intensity I – Doliman, Anda at Labrador, Pangasinan

Instrumental Intensity:

Intensity III – Infanta, Pangasinan