Perez Tangkang lumusot ni CJ Perez ng San Miguel laban sa depensa ng Magnolia sa masksyong tagpo na ito sa PBA Commissioner’s Cup. PBA photo

Magnolia, Meralco hindi mapigil

Robert Andaya Nov 17, 2022
283 Views

PATULOY ang pananalasa ng Magnolia at Meralco sa magkahiwalay na mga laro sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum

Umiskor si Paul Lee ng walong dikit na puntos sa huling dalawang minuto ng laro para selyuhan ang 85-80 panalo ng Magnolia laban sa San Miguel Beer

Si Lee, na tinaguriang “Lethal Weapon” sa PBA, ay nagpasiklab ng husto sa kabila ng maagang foul trouble at itatak ang ika walong panalo sa siyam na laro ng Magnolia.

Dahil dito, oibalakas pa ng Hotshots ang kanilang tsansa na masungkit ang inaasam na top two finish kasama na ang twuce-to-beat advantage sa quarterfinal round.

“I just let it fly, and luckily pumasok, and it gave us the cushion,” sabu ni d Lee, na meron ding three rebounds, wo assists laban sa two turnovers atbapat na quick fouls.

“We shared the ball, kaya nakakuha ng open shots and baskets from drop passes,” dagdag pa niya.

Nanguna din sa Magnolia sina Nick Rakocevic na may double-double na 26 points and 28 rebounds; Ian Sangalang,na may 12 points at 14 rebounds; at Mark Barroca, na nay 12.

Si import Devon Scott ay tumapos na may 16 points at 17 rebounds para sa San Miguel, na bumagsak sa 3-5.

Samantala, bumida sin KJ McDaniels para talunin ng Meralco ang sister team na TNT Tropang Giga, 97-91, para ikatkong dikit na panalo.

Si McDaniels, na pumalit kay Johnny O’Bryant bilang import, ay gumawa ng 26 points and 14 rebounds para sa Bolts.

Nakatulong niya sina Raymond Almazan na may 21 points, 13 sa fourth quarter, at 11 rebounds; at Aaron Black, na muntik nang maka triple-double sa 17 points, 11 rebounds at six assists.

Sa TNT, namuno si Cameron Oliver sa kanyang 25 points sa 10-of-23 shooting and 20 rebounds sa halos 40 minutes na paglalaro.

The scores:

First game

Meralco 97 – McDaniels 26, Almazan 21, Black 17, Quinto 13, Banchero 10, Maliksi 9, Pascual 1, Jose 0, Pasaol 0, Caram 0, Hodge 0.
TNT 91 – Oliver 25, M.Williams 20, Castro 19, Erram 10, Oftana 6, K.Williams 5, Pogoy 4, Khobuntin 2,

Second game

Magnolia (85) – Rakocevic 26, Lee 14, Sangalang 12, Barroca 12, Jalalon 6, Abueva 5, Wong 4, Dela Rosa 2, Corpuz 2, Ahanmisi 2, Laput 0, Dionisio 0.
San Miguel (80)- Scott 19, Lassiter 16, Perez 16, Manuel 16, Tautuaa 6, Ross 3, Herndon 2, Brondial 2, Enciso 0, Cruz 0.
Quarterscores: 23-25, 37-37, 65-60, 85-80.